Hagdan

Nagsimula ang lahat sa pangarap ng mga tala
Akala ko'y di makakamtan
Maraming 'di naniwala, isa-isang pinahanga
Kahit ano inilaan

At lahat ng hirap na nagdaan
Iba't-iba ng laban
Tapos ng nakaraan

Hey oh
Sabay-sabay tayo sa paglakbay
Masikip, makitid, maraming pasakit sa ating buhay
Oh abot saan taas nitong hagdan
Kahit magkamali, akyat lang nang akyat
Hanggang matapos ang hagdan
Matapos ang hagdan
Matapos ang hagdan

Mga dalangin noon ay katotohanan ngayon
May mga pasakit ring nagdaan
Sa dami ng natutunan, sapat na nga ba o kulang
Ang nagawa at nakamtam

At ngayon ang hirap dumaraan
Ibang-iba ng laban
Ba't 'di namamalayan

Hey oh
Sabay-sabay tayo sa paglakbay
Masikip, makitid, maraming pasakit sa ating buhay
Oh abot saan taas nitong hagdan
Kahit magkamali akyat lang nang akyat
Hanggang matapos ang hagdan
Matapos ang hagdan

Ano man ang mangyari sa bukas
Ay 'di na hawak ng mga kamay
Kung kailangan ulitin
Ay gagawin kahit na
Mapagod sa lakbay

Oh sabay-sabay tayong magtagumpay
Masikip, makitid, maraming pasakit sa ating buhay
Oh abot saan taas nitong hagdan
Kahit magkamali akyat lang nang akyat hanggang
Masdan mo ang hakbang
Akyatin ang hagdan
Masikip, makitid, maraming pasakit sa ating buhay

Ano man ang hadlang
Tahakin ang daan
H'wag na h'wag titigil
Hangga't 'di matapos ang hagdan



Credits
Writer(s): Brian Lotho
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link