Magkaibang Mundo

Makikilala mo ba ako
'Pag tayo ay nagtagpo
Sa magkaibang mundo
Pagbibigyan na kaya tayo

Sa magkaibang mundo
Nagtatagpo ang puso
Malayang magmahal
Malayang magpasya at umibig

Kaya't masisisi mo ba
Kung laging umaasa
Kahit hindi ikaw ang nasa piling ko
Tanging ligaya ko

Unti-unting lumalapit
Ang pagkakalayo
Unti-unting bumibilis
Ang paghinto ng puso ko

Makikilala mo ba ako
'Pag tayo ay nagtagpo
Sa magkaibang mundo
Pagbibigyan na kaya tayo
Sa magka-magkaibang mundo

Sa t'wing naaalala
Naiisip mo rin ba
Ang pinagsamahan natin
Ang pinagdaanan natin

Sa t'wing ika'y kapiling
Ang isip ko'y nalilito pa rin
Pagkakamali nga ba
Sa pag-ibig maniwala

Sa magkaibang mundo (sa magkaibang mundo)
Nagtatagpo ang puso (nagtatagpo ang puso)
Malayang magmahal
Malayang magpasya at umibig

Kaya't masisisi mo ba (kaya't masisisi mo ba)
Kung laging umaasa (kung laging umaasa)
Kahit hindi ikaw ang nasa piling ko
Tanging ligaya ko

Unti-unting lumalapit
Ang pagkakalayo
Unti-unting bumibilis
Ang paghinto ng puso ko

Makikilala mo ba ako
'Pag tayo ay nagtagpo
Sa magkaibang mundo
Pagbibigyan na kaya tayo
Sa magka-magkaibang mundo

Sa magkaibang mundo
Sa magkaibang mundo
Sa magkaibang mundo
Makikilala mo ba ako
Sa magkaibang mundo
Sa magkaibang mundo



Credits
Writer(s): Jonathan Arnold Ong, Myrtle Abigail Sarrosa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link