Lampara

Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh

Bawat sandali, inaasahan na
Makapiling ka, makasama ka
Bumalik ang langit sa 'ting dalawa
Bawat na sandali ay sinamantala
Pinaglaban ang pag-ibig nating dalawa

Nagliliyab na kandila, bukod-tanging sumpa
Ba't binabaliwala na?
Dati nating ligaya, saan napunta?
Ba't ngayo'y lumuluha?

Ako na lang ba ang humahawak ng lampara?
'Pag bumitaw, dumidilim, gano'n na lang ba talaga?
Ako na lang ba ang humahawak ng lampara?
Ang s'yang sandata sa dilim at sa liwanag, kaya ba?
Ako na lang ba ang humahawak ng lampara?
Ako na lang ba? Ako na lang ba? Ako na lang ba?

Bawat sandali ay nagbabago
At nag-iiba para sa 'ting dalawa
Pangakong binitawan sa isa't isa't
Mga alaala'y nalimutan mo na ba?

Nagliliyab na kandila, bukod-tanging sumpa
Ba't binabaliwala na?
Dati nating ligaya, saan napunta?
Ba't ngayo'y lumuluha?

Ako na lang ba ang humahawak ng lampara?
'Pag bumitaw, dumidilim, gano'n na lang ba talaga?
Ako na lang ba ang humahawak ng lampara?
Ang s'yang sandata sa dilim at sa liwanag, kaya ba?
Sabihin mo na

Oh, hanggang kailan ang magpakailanman?
Ang ating laban, huwag mong susukuan, oh
Sa daan-daang hadlang na nilampasan
Huwag mo namang kalimutan ni minsan

Ako na lang ba ang humahawak ng lampara?
Ako na lang ba? Ako na lang ba? Ako na lang ba?



Credits
Writer(s): Jonathan Arnold Ong, Myrtle Abigail Sarrosa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link