Marco's Theme (Saglit)

Malayo man ang distansiya, 'di man marinig
Ang boses mong aking nakasanayan
Pipikit na lang muna at papagalingin
Ang mga mata sa kaluluha

At hihinga nang malalim
At papakalmahin ang patalim
Tapos na ang laban

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin
Kung bukas man, ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa'y sandali kang naging akin

Sa paghulma ng paalam, 'di na madama
Ang pagbitaw ng 'yong mga kamay
At pipikit na lang muna, iiwas ng tingin
At aatras bago ito bawiin

At hihinga nang malalim
At papakalmahin ang patalim
Tapos na ang laban

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin
At kung bukas, ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa'y sandali kang naging akin

Oh, ooh
At sa pagbawi ng tadhana, masakit man magpalaya
Doon ako kung sa'n ka sasaya
Kung sa'n ka malaya

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin
Kung bukas man, ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa'y sandali naging akin



Credits
Writer(s): Marvin Jason D Hernandez, Moira Rachelle B. Torre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link