Malaya

Pasensiya na kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa?

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung 'di pipilitin ang 'di pa para sa 'kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na
Malaya

'Susuko na ang sandata, aatras na sa laban
'Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan, mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung 'di pipilitin ang 'di pa para sa akin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na
Malaya

Malaya ka na
Malaya



Credits
Writer(s): Moira Dela Torre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link