Bawat Daan

Sa pagkumpas ng 'yong kamay
Aking landas, ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pagluluksa

Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, gitna't simula
Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)
Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)

Oh, maligaw man at mawala
At umikot man sa kawalan
Sa bawat kailan, sino't saan?
Ikaw lamang ang kasagutan

Bawat kanan at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko ay patungo (ay patungo)
Ay pabalik (pabalik) sa 'yo

Kay tagal nang lumulutang
Walang pupuntahan, walang dahilan
Na parang ulap na walang dalang ulan
Kamang walang kumot at unan

Bihag ako ng pagtataka
May saysay ba ang paglalakbay?
Ngunit nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)
Nahanap kita (kay tagal kong naghintay)

Oh, maligaw man at mawala
At umikot man sa kawalan
Dahil sa bawat kailan, sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan

Bawat kanan at kaliwa (kay tagal kong naghintay)
Kung timog man o hilaga (kay tagal kong naghintay)
Ang bawat daan ko ay patungo (kay tagal kong naghintay)
Pabalik sa 'yo (kay tagal kong naghintay)

(Kay tagal kong naghintay) sa iyo
(Kay tagal kong naghintay) oh, oh
Kung ang puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, ang gitna't simula

Ikaw
Ikaw



Credits
Writer(s): Ebe Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link