Naririnig Mo Ba

Hawak mo ang aking kamay
Pag-ibig mo'y walang kapantay
Sa piling mo mundo'y nag-iba
Paulit-ulit mong binibigkas, mahal kita

Pagmamahal ko sa 'yo'y walang hangganan
Panaginip ko ikaw ang laman
Umiikot ang ating mundo
Hanggang nawala't nagbago

'Wag, 'wag, 'wag ka naman lumayo
Hinding-hindi ako bibitaw sa 'yo
'Wag, 'wag, 'wag, sigaw ng puso ko
Sa 'yo ako'y hinding-hindi susuko
Mahal ko, naririnig mo ba ako?

Minu-minutong nangugulila sa 'yo
Alaala mo sa akin ay ginto
Nangako tayong walang hihinto
Biglang nawala't nagbago

'Wag, 'wag, 'wag ka naman lumayo
Hinding-hindi ako bibitaw sa 'yo
'Wag, 'wag, 'wag, sigaw ng puso ko
Sa 'yo ako'y hinding-hindi susuko
Mahal ko, naririnig mo ba ako?

Sa pagtakbo ng oras ko
Sana ay bumilis ito
At dalhin ako sa 'yo
Yayakapin, sasabihin sa 'yo

'Wag, 'wag, 'wag ka naman lumayo
Hinding-hindi ako bibitaw sa 'yo
'Wag, 'wag, 'wag, sigaw ng puso ko
Sa 'yo ako'y hinding-hindi susuko
Mahal ko, naririnig mo ba?
Mahal ko, naririnig mo ba?
Mahal ko, naririnig mo ba ako?



Credits
Writer(s): Lj Manzano, Joan Da
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link