Sampu

Sa sampung sinabi mo, isa lang ang totoo
Ngunit hanggang ngayon, nandito pa ako

Heto na naman ang puso ko
Naniniwala sa paliwanag mo, whoa, whoa
Sunud-sunuran lang sa nais mo
Nagbubulag-bulagan na lang ako, whoa, whoa

Ewan ko kung bakit ganyan
Lagi mo na lang akong sinasaktan
Ngunit sa kabila ng gulo
Heto pa rin ako, nakayakap sa 'yo

Sa sampung sinabi mo, isa lang ang totoo
Ngunit hanggang ngayon, nandito pa ako
Sa sampung sinabi mo, isa lang ang totoo
Sinungaling ang puso mo
At naniwala naman ako

Oh (naniwala, naniwala naman)

Wagas ang pag-ibig ko sa 'yo
Ngunit nahihirapan na'ng damdamin ko, whoa, whoa
Magpapanggap na lamang ba ako? Whoa
Naninindigan kung tama ba ito, whoa, whoa

Ewan ko kung bakit ganyan
Lagi mo na lang akong sinasaktan
Ngunit sa kabila ng gulo
Heto pa rin ako, nakayakap sa 'yo

Sa sampung sinabi mo, isa lang ang totoo
Ngunit hanggang ngayon, nandito pa ako
Sa sampung sinabi mo, isa lang ang totoo
Sinungaling ang puso mo
At naniwala naman ako

Sa bawat sasabihin ng matamis na labi mo
Unti-unting hinahatak pabalik sa 'yo, ohh

Sa sampung sinabi mo, isa lang ang totoo
Ngunit hanggang ngayon, nandito pa ako
Sa sampung sinabi mo, isa lang ang totoo
Sinungaling ang puso mo
At naniwala naman ako

Heto na naman ang puso ko



Credits
Writer(s): Raizo Chabeldin, Genevieve De Vera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link