Tanghaling Tapat

'Di ako pinalaki ng ganito
Tanghaling tapat, naglalasing sa may kanto
'Di rin ako iresponsableng tao
Nabigo lang talaga ako

Apat na taon ang nawala, balewala
Na dapat ay sapat nang magtapat kung nawala na
'Di mo sinabing nagpalit ka ng karera, nangongolekta

H'wag mo nang sabihin o aminin dahil alam ko na naman
At 'di na pipilitin na piliin mo ako't iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala kung bawat hinala tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi tanggap ko nang
Sa panahon ngayon tanghali na lang tapat

Iwan na lang ating nakaraan oh
Iwanan lahat ng naipon nating kwento
Isosoli na lang mga bigay mo
Pati puso mo na akala ko ay totoo

Nasusunog ang lamang loob pag naiisip
Nabalot na ang labi mo ng laway na 'di akin
'Di mo sinabing nagpalit ka ng pangalan, kubeta nga lang

H'wag mo nang sabihin o aminin dahil alam ko na naman
At 'di na pipilitin na piliin mo ako't iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala kung bawat hinala tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi tanggap ko nang
Sa panahon ngayon, tanghali na lang tapat

Oh oh woah oh oh
(Tanghaling tapat)

Sa panahon ngayon wala na

H'wag mo nang sabihin o aminin dahil alam ko na naman
At 'di na pipilitin na piliin mo ako't iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala kung bawat hinala tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi tanggap ko nang
Sa panahon ngayon, tanghali na lang tapat

Credits
Writer(s): Michael Gabriel Tagadtad
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link