Soulmeyt

Nataranta yata ako
Ng bigla kitang nakita
Naka-headphone sa isang music shop
Ano ba naman ito
At natapon pa ang ice-cream ko
Nang biglang pinigilan ako
Ng guard pag-pasok ko

Ano bang kalokohan 'to
Lalapit ba ako o paikot ikot
Na titingin sa yo
Hoo
Masaya ako
Masaya ako

Nung nagkitang ating mga mata
Mistulang ang mundo'y naglaho na
At sa katahimikan ng ating mga titig
Ang aking Soulmeyt
Ay aking nakita

Sa panaginip lang kita nasisilayan
Ikaw ang hinihintay sa aking buhay
Tadhana yata 'to
Natapon man ang ice-cream ko
O kay hiwaga nga naman ng buhay

Nung nagkitang ating mga mata
Mistulang ang mundo'y naglaho na

At sa katahimikan ng ating mga titig
Ang aking Soulmeyt
Ay aking nakita

O! Isang kisalap ng liwanag
Ohhh
Ngunit parang walang hanggan
Isang ngiti mo lang
Isang iglap ng liwanag
Pag-ibig mo ay nakita ko
At ang lahat ay nagbago

Nung nagkita ang ating mga mata
Mistulang ang mundo'y naglaho na
At sa katahimikan ng ating paligid
Mistulang ang mundo'y naglaho na
Naglaho na
At ang pag-ibig mo'y aking nakita
Aking nakita
Pag-ibig mo ay aking nakita



Credits
Writer(s): Marq Dollentes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link