Apoy Ng Pag-Ibig

Ang buhay pala
Parang pelikula
Mayroong kabanatang
Nagsisimula't
Mayroong nagwawakas
Pag-ibig ba'y
Ganun din ba
Katulad ng pag-ibig natin
Sa isa't isa

Nagsimula
Namulaklak
Naglaho na't
Ngayon ay nasan ka
Ngunit ganoon pa man
Ang puso ko'y
Natutong magmahal
Magbigay
At lumigaya

At ngayon kahit na
Ika'y isang alaala
Sa puso ko'y walang hanggang
Maglalagablab
Ang apoy at diwa ng ating pag-ibig
Sa puso ko'y
Di magwawakas

Wooh oh oh oh
Wooh oh oh oh
Wooh oh oh oh

Ngunit ganoon pa man
Ang buhay na ito'y
Kukulayan ko'ng muli
Ng mga awit ng
Pagmamahal

At ngayon kahit na
Ika'y isang alaala
Sa puso ko'y walang hanggang
Maglalagablab
Ang apoy at diwa ng ating pag-ibig
Sa puso ko'y
Di magwawakas



Credits
Writer(s): Marq Dollentes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link