Gabay, Pt. 1

Namulat ka ba
Sa daigdig na kay gulo
At buhay na walang hangarin
Lito at di mo alam
Kung anong sadya
Ng yong buhay mo
Mayron bang gumagabay?
Mayron bang gumagabay
Sa yo...?

Magandang bukas ang nais ko
Katahimikan maghari sa mundo
Ikaw, ako, tayo kahit may kadiliman
Babangong Tayo't liliwanag ang mundo
Sama sama nating titibayan ang loob
Ramdam mo ba ngayon
Ang diwa ng pagbabago
Sa puso mo

Hooo
Heey

Natuto akong imulat
Ang aking isipan
At bigyang buhay
Dakilang hangarin
Di ko man alam
Kung pano makakamtan
Ngunit mayrong kamay
Mayrong gumagabay
Sa buhay ko't
Sa buhay mo

Magandang bukas ang nais ko
Katahimikan maghari sa mundo
Ikaw, ako, tayo kahit may kabiguan
Babangong Tayo't liliwanag ang mundo
Sama sama nating titibayan ang loob
Ramdam mo ba ngayon
Ang diwa ng pagbabago
Sa puso mo... oooh ooh ohh

Tinig ng pag-asang matatag
Ang s'yang liliwanag sa puso't buhay mo
Bagong umaga'y ating haharapin
Pagkat Diyos ang s'yang gabay natin

Oooh oohh
Ooooh
Wooh!
Diyos ang gabay natin

Babangong tayo't liliwanag ang mundo
Sama sama nating titibayan ang loob
Ramdam mo ba ngayon
Ang diwa ng pagbabago
Sa puso mo

Sa buhay mo...



Credits
Writer(s): Marq Dollentes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link