Araw-Gabi

Oh, kay tamis ng ating pagsasama
Bakit bigla itong naglaho na?
Ang hanap ko sa t'wina ay iyong mga halik
At mga yakap mo na kay higpit

Ngayon, ako ay iniwan mo
'Di ko kayang mabuhay kung wala ka sa piling ko
Heto ako, laging naglalasing
Sa kaiiisip sa iyo, sana ika'y muling makapiling

Araw-gabi lumuluha, sana'y magbalik ka
Dahil puso'y nagdurusa
Oh, giliw ko, ano ang aking gagawin?
Ikaw lagi ang isinisigaw nitong damdamin

Credits
Writer(s): Avelino Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link