Telepono

Natatandaan mo ba kagabi?
Apat na oras tayong nagbabad sa telepono
Oh, inabutan na tayo ng umaga no'n
Ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla?
Magdamag na sa tabi mo, wala man lang "hello?"

Hello? Oh, hello?
Naririnig mo pa ba ako?
Kung wala na tayo sa telepono
'Pag nandito na tayo sa tunay na mundo
Hello?

Oh, hello? 'Di na kita naiintindihan
Malabo na ba ang linya sa ating dal'wa?
Hello, gising ka pa kaya?
Oh, hello? Nahihilo na ako sa 'yo

Ha, whoa-oh-oh
Whoa-oh-oh, whoa-oh-oh

Ngayong gabi, 'pag nagri-ring ang telepono
Ikaw ang naiisip ko, tumawag ka, tumawag ka
Mahal, please, tumawag ka naman

Dahil kailangan lamang marinig ang boses mo (ang boses mo)
Oh, ngayong gabi, managinip, managinip muli tayo
Sa sarili nating mundo

(Hello?) Hindi na kita naiintindihan
Malabo na ba ang linya sa ating dalawa?
Hello, gising ka pa kaya?
Oh, hello, nahihilo na ako sa 'yo, oh, oh

Oh-oh-oh
Whoa-oh-oh. whoa-oh-oh



Credits
Writer(s): Ebe Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link