Mariposa

Alam mo bang kanina pa ako
Magdamag nang nakatingin sa 'yo?
'Di mo lang alam, sa gitna ng kadilimang
Hindi mapakali, ako'y nabighani

'Di mo lang alam, inaasam
Ang panahong makapiling ka
Sa una't huling pagkakataon

Dahil dito sa mariposa
Ay mahirap ang nag-iisa
Dahil dito sa mariposa
Ako lang yata ang nag-iisa

Nagsisising matatapos ang gabing
Alam naman natin, mayro'n nang taning
Nagsisising gigising sa katotohanan
'Di ka naman talaga akin

'Di mo lang alam, inaasam
Ang panahong makapiling ka
Sa una't huling pagkakataon

Dahil dito sa mariposa
Ay mahirap ang nag-iisa
Dahil dito sa mariposa
Ako lang yata ang nag-iisa

Ayoko nang mag-isa, ayoko nang mag-isa
Ayoko nang mag-isa, ayoko na
Ayoko nang mag-isa, ayoko na



Credits
Writer(s): Ebe Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link