Wag Ka Nang Umiyak

Huwag ka nang umiyak
Sa mundong pabago-bago
Pag-ibig ko ay totoo

Ako ang iyong bangka
Kung magalit man ang alon ng panahon
Sabay tayong aahon

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan

Huwag ka nang umiyak
Mahaba man ang araw
Uuwi ka sa yakap ko

Huwag mo nang damdamin
Kung wala ako sa 'yong tabi
Iiwan ko'ng puso ko sa 'yo

At kung ang pakiramdam mo
Ay wala ka nang kakampi
Isipin mo ako dahil
Puso at isip ko ay nasa 'yong tabi

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan

Hindi kita pababayaan
Hindi kita pababayaan

Oh-oh
Kapit ka, kumapit ka

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kumapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan

Hindi kita pababayaan
Hindi kita pababayaan
Hindi kita pababayaan
Hindi kita pababayaan

Whoa-oh, whoa
Kumapit ka



Credits
Writer(s): Vincent Ferdinand Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link