Dndn

Daming nagbago, daming nangyare
Daming nagbago, daming nangyare hmmm

Ang daming pagbabagong naganap
Sa tuwa para bang gusto kong umiyak
Kahit na sobrang dami paring katanungan
Isa lang ngayon ang sigurado at tiyak

Na di na masasayang pa ang luha
Mga nais makamit ay aking makukuha
Kahit na gaano kataas ang mga tala
Kaya parin yan na abutin ng taga-lupa

Mahiwagang buhay sa mundo
Maniwala ka na matatapos ang gulo
Isa ka rin ba sa mga taong gaya ko
Na lubos nahuhumaling sa liwanag ng sulo

Ang sarap ng ingay sa gitna ng kagubatan
Ang ilaw sa dilim ng kalawakan
Ang dami kong gusto na mahawakan
Isa na dun ang sarili ko na kalawakan

Ang daming nagbago, daming nangyare
Panahon di na namalayan pa, namalayan pa
Daming nagbago, daming nangyare
Na ayus lang naman mga suliranin matatapos din naman, ye

Daming nagbago, daming nangyare
Panahon hin di na namalayan pa, namalayan pa
Daming nagbago, daming nangyare
Na ayus lang naman mga suliranin matatapos din naman

Ang sarap mamuhay ng tahimik at payak
Yung may kalayaang manatili't gumayak
Sa mata walang piring kamay ay walang tali
Di naman siguro masama baka sakaling

Maintindihan, din nila ako
Alam nyo ang hirap din minsan maging ganto
Mas gusto ko makinig kesa magsalita
Kaso utos ni Ama, 'la akong magagawa

Minsan nang nilamon
Ng inip at kalungkutan
Puso ko'y hinamon
Ng sarili kong isipan, napanaginipan

Sa isipan matatapos din naman to
Di mo na kailangan pang piliting mag isip
Enjoy-in mo lang ang pagkabuhay mo ulit
Malay mo sa pagalis mo di ka na bumalik, ye

Daming nagbago, daming nangyare
Panahon di na namalayan pa, namalayan pa
Daming nagbago, daming nangyare
Na ayus lang naman mga suliranin matatapos din naman, ye

Daming nagbago, daming nangyare
Panahon di na namalayan pa, namalayan pa
Daming nagbago, daming nangyare
Na ayus lang naman mga suliranin matatapos din naman



Credits
Writer(s): Genesis Lago
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link