Manawari

Oh tahan na
Tumahan ka
Malaya ka
Lumaya ka

Pakawalan mo ang lahat ng hindi sayo
'Di ka na masasaktan
Sa tagpuan ng ikaw at tsaka ako
Ang sarili ay mahahagkan

Di mo na kailangan pang pilitin mag-isip
Pag aalinlangan ay dapat mong alisin
'Wag ka mag hinala sa harap ng salamin
Kailangan mong matutunan ang sarili mahalin

Bago ibahagi pag ibig sa iba
'Wag ka magpatali sa iyong nadarama
Kung hindi pa kaya 'wag masyado sagarin
May tamang espasyo na sayo naka abang
Pwede ka lumaylo pero 'wag ka tamarin
Dalasan mo ang pag halo kung ayaw mo tumabang

Subukan mong ipaglaban
Ang bitbit mo na pagmamahalan
'Di pa tukoy ang patutunguhan
Pero sigurado meron kang matututunan

Oh tahan na
Tumahan ka
Malaya ka
Lumaya ka

Ano nga bang dahilan ng pagkagulo
Bakit ka nasasaktan
Bakit ba patuloy ka pa rin na natutukso
Sino pinakikinggan

Kailangan matutunan sa sarili makinig
Isantabi na muna ang mundo na makulet
Huminga ng maluwag at lumayo ka sa sikip
Na bitbit ng mundong madalas ipagkait

Mga nais mahawakan
Siguro may plano ang kalawakan
Palagi mo lang na pang hahawakan
Ang damdamin mong tugma sa kamalayan

Oh tahan na
Tumahan ka
Malaya ka
Lumaya ka

Oh tahan na
Tumahan ka
Malaya ka
Lumaya ka



Credits
Writer(s): Genesis Lago, Loir Jastine Dela Llana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link