Hiraya

"Nag e-exist siya sa lahat, nag e-exist siya sa lahat
Tapos yun, yung ano eh,
Yung love? Siya yung ano eh,
Siya yung nag e-exist sa lahat na— sobrang totoo
Sobrang totoo. Kapag nag mamahal ka Talagang ano ehh,
Grabeng yung, yung Kayang gawin"

Andami kong pinagdaanang kahirapan
Napakadami kong pinag lalabang kayamanan

Hindi ko na malayang ako pala ay yumayabong
Kada sambit ng pangalan, sinasabi nila'y yumayabang

Mahal parin kita, kahit ganyan ka mag isip
'Wag kang mag alala, hindi nalang ako iimik

Ako ay mananahimik nalang dito sa may likuran
Malaya na makikinig kung sino sa harapan

May tamang panahon para ako'y mag salita
Pangakong sa oras na 'yon, hindi na'ko mababalisa-- sa ngayonn
Kailangan ko muna na mag pahinga, kailangan ko ng nguyain mga
Tira-tirang tinga

Sa pagkataong kong, minsan alam mo ng materyal
Na kamunduhan na kakaibang,
Oo kakaiba pakinggan mo
ang aking tinig kasama mo
Sa lakbay mong pag gusto mong manahimik

'Di ko akalain, ang kalayaan mahahawakan
'Di ko akalain, ang kalayaan pagmamahalan
Pinagpatuloy ko lang [Pinagpatuloy ko lang
Kung anong nasimulan [Kung anong na simulan
Etong ngayon magaan, pinunan ng pagmamahal
Ang bawat mga patlang

Dati-rati tinatanong ko ang sarili
Hanggang kailangan nga ba ako sa mundo mananatali
Hayon, wala nako masyadong na pakielam
Nag eexist nalang sa'kin ay pag mamahal

Tawagin man nilang praning
Gagawin parin ang mga dapat gawin
Nabuhay ako dito para hindi maging pabibo
May misyong ako't motibo ko lahat ay positibo

Ba't ako matatakot sumulat ng mga tula
Hangarin ko lang naman ay pag-ibig ano ang masama
Alam kong may mapapala ako sa'king ginagawa
Pero sapat na sakin ang makita kayong masaya

Pag malungkot bigyan mo muna ng katahimikan
Ang sarili mo normal sa buhay natin yan kaibigan
Kaya ako nandito, hindi dahil nandyan ka
Biro lang, andito 'ko para magpasaya

'Di ko akalain, ang kalayaan mahahawakan
'Di ko akalain, ang kalayaan pagmamahalan
Pinagpatuloy ko lang [Pinagpatuloy ko lang
Kung anong nasimulan [Kung anong na simulan
Etong ngayon magaan, pinunan ng pagmamahal
Ang bawat mga patlang



Credits
Writer(s): Genesis Lago, Loir Jastine Dela Llana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link