Lapit

Pikit-mata, nagtatanong
Ng sagot sa bakit
Pikit-mata, lumuluha
'Di maintindihan, puno ng pait

Parang walang nakikinig
D'yan ka nagkakamali

Lapit sa akin, at huwag matakot ka
Papawiin ang luha, ulan ay titila na
Kahit sabihin mo na 'di na kaya
Araw ay sisikat, may bagong liwanag
'Di ka nag-iisa

Naghahanap, naghihintay
O sa mundo kaya na lang sumabay
Nangingimi na sumuko na
'Di makita sa'n bang pag-asa

Parang walang nakikinig
D'yan ka nagkakamali

Lapit sa akin, at huwag matakot ka
Papawiin ang luha, ulan ay titila na
Kahit sabihin mo na 'di na kaya
Araw ay sisikat, may bagong liwanag
'Di ka nag-iisa

Problema'y parang ulan na walang katapusan
'Di makita kung sa'n sisilong
At sa hakbang merong dilim na laging nandiyan
'Di makita kung sa'n tutungo

Parang walang nakikinig (parang walang nakikinig)
D'yan ka nagkakamali

Lapit sa akin, at huwag matakot ka
Papawiin ang luha, ulan ay titila na
Kahit sabihin mo na 'di na kaya
Araw ay sisikat, may bagong liwanag
'Di ka nag-iisa

Kahit sabihin mo na 'di na kaya
Araw ay sisikat, may bagong liwanag
'Di ka nag-iisa



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link