Isa Pang Araw

Akala ko hindi na darating ang panahon
Na liliwanag ang daang nasisilayan ko
Sa libo-libong taong nangangarap
Binigyan mo ako ng pagkakataon

Kung mababago ang landas na tatahakin ko
Ikaw pa rin ang hahanapin ng puso ko
Sa bawat sandaling kasama kita
Binigyan mo ng buhay ang aking mundo

Dumadaan ang araw
'Di mo namalayan, naubusan ka ng oras
Pwede bang humiling
Isa pang araw na ikaw lang ang kasama?
Kulang na kulang ang panahon
'Di sapat ang mayro'n tayo ngayon
Pwede bang humiling, isa pang araw?

Hindi ko napansin, unti-unting nawawala
Ang kaba sa 'king dibdib
Bawat minutong nakapiling kita
Tumatapang ako nang dahil sa 'yo

Dumadaan ang araw
'Di mo namalayan, naubusan ka ng oras
Pwede bang humiling
Isa pang araw na ikaw lang ang kasama?
Kulang na kulang ang panahon
'Di sapat ang mayro'n tayo ngayon
Pwede bang humiling, isa pang araw?

Sa pagsikat ng araw, ikaw ang laging hanap
Sa pagpalit ng buwan, sana ikaw pa rin ang tangan
Kulang na kulang ang panahon
'Di sapat ang meron tayo ngayon
Pwede bang humiling, isa pang araw?

Dumadaan ang araw
'Di mo namalayan, naubusan ka ng oras
Pwede bang humiling (pwede bang)
Isa pang araw na ikaw lang ang kasama?
Kulang na kulang ang panahon
'Di sapat ang mayro'n tayo ngayon
Pwede bang, pwede bang
Pwede bang humiling, isa pang araw?



Credits
Writer(s): Miguel Mendoza Iii
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link