Pag-ibig Na Kaya

'Di na maalala, pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?

Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala (natutulala)
'Di ko malaman ang sasabihin ko (sasabihin ko)

Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?
'Di na mapipigilan, pag-ibig nga ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito? Ooh
'Pagkat nararamdaman
Pag-ibig atin nang natagpuan

Malalaman mo lamang (malalaman mo lamang)
Ang nararamdaman (ang nararamdaman)
Kung ako ay magiging ikaw
Damdamin nati'y magsama, ooh

Laman ng puso ko'y ganyan din (oh)
Ikaw ay narito na sa akin (ooh)
'Di ko hahayaang mawalay (mawalay ka)
Nandito ka sa aking piling (oh)

Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?
'Di na mapipigilan, pag-ibig nga ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito? (Pag-ibig nga kaya ito?) Ooh
'Pagkat nararamdaman
Pag-ibig natagpuan

Oh, gagawin lahat (gagawin lahat)
Upang 'di magkalayo (upang 'di magkalayo)
Nandito lang ako, 'di kita iiwan
At kahit sandali, 'di ko papayagan
Mawalay ka sa akin

Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?
'Di na mapipigilan, pag-ibig nga ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito? (Pag-ibig nga kaya ito?) Ooh
'Pagkat nararamdaman
Pag-ibig atin nang natagpuan, ooh



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link