Sa Kabukiran

Sa kabukiran, minsan kami ay namasyal
Kasama ko ang aking barkada
Sa isang kubo, doon kami ay lumugar
At kami ay masaya, masaya

Pagkagising mo sa umaga'y maririnig
Mga ibong umaawit
Himig na inaawit nila ay kay tamis
At ikaw ay maaakit

T'wing umaga ay naglalakad-lakad kami
Minamasdan ganda ng paligid
Pagsapit nitong dilim, tahimik ang paligid
Mga bituin sa 'yo'y nakatitig

Pagkagising mo sa umaga'y maririnig
Mga ibong umaawit
Himig na inaawit nila ay kay tamis
At ikaw ay maaakit

Ooh, la-la-la, la-la-la, la-la-la
Sariwa ang hangin do'n sa bukid
Ooh, la-la-la, la-la-la, la-la-la
Mabibighani ka sa paligid

Pagkagising mo sa umaga'y maririnig
Mga ibong umaawit
Himig na inaawit nila ay kay tamis
At ikaw ay maaakit



Credits
Writer(s): Aguilar Freddie
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link