Sayang Imelda

Imelda, Imelda, ba't mo sinaktan?
Puso ko ay sinugatan
Ang pag-ibig mo pala ay salawahan
Dahil sa 'yo, ako'y nagdaramdam

Imelda, Imelda, ako'y umasa
Ngayon ay iyong iniwanan
Tuluyan mo na akong tinalikuran
Mayro'n ka nang ibang minamahal

Sayang ang aking pag-ibig
Sayang ang aking tiwala
Sayang, oh, sayang na sayang
Higit sa lahat, ikaw, Imelda ay sayang

Imelda, Imelda, iyong pagmasdan
Buhay ko ay nahihirapan
Iyan ba ang pangako mong tutulungan?
Sa hirap at ginhawa'y 'di iiwan

Sayang ang aking pag-ibig
Sayang ang aking tiwala
Sayang, oh, sayang na sayang
Higit sa lahat, ikaw, Imelda ay sayang

Sayang ang aking pag-ibig
Sayang ang aking tiwala
Sayang, oh, sayang na sayang
Higit sa lahat, ikaw, Imelda ay sayang



Credits
Writer(s): Freddie Aguilar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link