Guro

Sa isip ko'y 'di ka mawawaglit
Sa puso ko'y nakaukit kang lagi
Ang mga alaalang iniwan
'Di ko malilimutan

Karamay ka sa kalungkutan ko
Laging bukas ang mga palad mo
Kay ganda ng iyong mga pangaral
Sa iyo ako'y natuto

Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay

Itinuwid mo ang kamalian
Itinuro mo sa akin ang daan
Ikaw din ang nagbigay-lakas
Sa huminang kalooban

Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay

Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay

Sa isip ko'y 'di ka mawawaglit
Sa puso ko'y nakaukit kang lagi
Ang mga alaalang iniwan
'Di ko malilimutan

Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay

Ikaw ang aking guro
Ikaw ang humubog sa aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Kaibigan kong matalik na tunay

Sa isip ko'y 'di ka mawawaglit



Credits
Writer(s): Freddie Aguilar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link