Lego

Tulog na mulat, kulog natuwa
Hulog na subalit may sunod na tula
Buhok na pula, gusot na dura
Bulok na sistema, ang tunog naluha
Pilit ko na tawa 'pag bitin na sa kama
Dumikit mga bara, sambitin o saka na
'Pag tingin walang gana, kulbitin mo pa para
Madilim lumiwanag kapag ilaw ay wala na
Kapalit 'to ng lakad, nabitin sa pang-apat ko na amat
Kasalanan ba na libre mangarap
Angkinin ko ang dapat, sa dilim ko nahanap
Sa silid na makalat, sa peligro at lamat
Dumampi na sa palad, dumating at nababad
Sungkitin mga tala, magising naging bata
Gumaling guminhawa, sampalin ng agaran
Mahalin umagahan, kulbitin kalawakan

Naapakan ko na parang lego
Mangapa ka at nanlalamig, oh
Maranasan at mayayanig
Nasa kanan hindi naimik
Naapakan ko na parang lego
Mangapa ka at nanlalamig, oh
Maranasan at mayayanig
Nasa kanan hindi naimik

Pano masasabing basag ka na men
Tanong mo sa saging kapag umamin
Pano masasabing basag ka na men
Tanong mo sa saging kapag umamin
Kahit anong kailangan, daming tanong
Bakit ang daming tanong, ngayon nanggaling na 'don
At kaya nang tumalon sa malalim na balon
Iba ang para sa'yo, subukan mong lumangoy
Dapat may babalikan kapag nakuha mo 'yon
Handa ka bang lumingon 'pag sumanib ang liyon
Malalim na gabi 'yon, sagabal ang mapikon
Handa ka bang lumingon, handa ka bang lumingon

Naapakan ko na parang lego
Mangapa ka at nanlalamig, oh
Maranasan at mayayanig
Nasa kanan hindi naimik
Naapakan ko na parang lego
Mangapa ka at nanlalamig, oh
Maranasan at mayayanig
Nasa kanan hindi naimik

Sige pa umiyak, sige pa umiyak
Sige pa umiyak, sige pa umiyak
Sige pa umiyak, sige pa umiyak
Hindi pa 'ko lutang
Sige pa umiyak, sige pa umiyak
Sige pa umiyak, sige pa umiyak
Sige pa umiyak, sige pa umiyak
Hindi pa ko lutang



Credits
Writer(s): Edward Dela Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link