1111

Nag-lalasing habang nanlalamig
Dumarating walang laman lamesa
Napapraning nasa'n ka ba kasi
Nag-lalasing habang nanlalamig
Nag-lalasing habang nanlalamig
Dumarating walang laman lamesa
Napapraning nasa'n ka ba kasi
Nag-lalasing habang nanlalamig

Nag-aabang parin ng tama't nalunasan
Kahapon naglalakbay sa'ting kalawakan
Naabot na natin ang langit
Noong lumapit ka sa awit
Milyon na tanong ko na bakit
Nasagot mo kahit malalim
Sumilip ka pa, tumitig ka nang madama ang kaba
Sumisid ka pa, tanong ko ay mapagkakatiwalaan ka ba
Sa mundong puno ng mantsa
May himala o dapat ba 'ko sayong maghinala
Ginabi na nga, mali ba na
Hayaan kita na pumasok sa mga galos na dinala
Wala ka namang kasalanan sa hubad ko na katotohanan
'Di ko pala nais malunasan, hindi salita sagot para malaman
Pira-piraso na ala-ala sa aking katawan
Imahe na 'to ang dala dala ko sa labasan
Kanino bang kapakanan
Hanggang sa'n ba ang 'yong pagkatunay
'Pag wala nang papel at naging mabato
Sasama ka ba na humukay
'Pag ang aking baril, may bahid ng dugo
Tanggap mo ba ang mga sungay
Kapag sa salamin ako na lumayo
Sasama ka ba sa pasuray ko na paglakad hanggang hantungan kaya
Naglalasing habang nanlalamig, yeah
Hindi lumalambot mga banig, yeah
Ang daming nakatutok dyan na lente
Ayoko pa na makatulog, letse

Nag-lalasing habang nanlalamig
Dumarating walang laman lamesa
Napapraning nasa'n ka ba kasi
Nag-lalasing habang nanlalamig
Nag-lalasing habang nanlalamig
Dumarating walang laman lamesa
Napapraning nasa'n ka ba kasi
Nag-lalasing habang nanlalamig



Credits
Writer(s): Edward Dela Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link