February 4

Mag-uumaga nanaman
Nandito lahat ng kailangan
Gabing 'di mo malilimutan
Papunta 'dun sa kawalan
Mag-uumaga nanaman
Nandito lahat ng kailangan
Gabing 'di mo malilimutan
Papunta 'dun sa kawalan

Nandito lahat ng kailangan mo
Kalimutan pati pangalan mo
Sino at anong nilakaran mo
Sino ba talagang kalaban mo
Tayo ay iisa, parang amnesia
Parang mali siya, walang malisya
Halo na tila 'di maaninag
Paano makita o mahalin ang
Mundong mahiwaga, tayo'y mga tala
Tayo'y mga bata, ano ba ang tama
Ano ba ang sala, ano ang akala
Ano ba ang dapat, anong kinalaman
Anong kasagutan, anong katanungan
Ano ang sukdulan, anong kalungkutan
Ako ay alipin na nga ng sining
Ako ay nagpipinta ng paligid
Ako ay lumilipad nasa lilim
Nabuhay sa musika, ako ay humihinga
Bagong daan ay aking natagpuan
Tagumpay 'yan, salamat naambunan
Sa ulanan, 'di ko planado 'yan
Bagong hagdan patungong nakaraan
Ang aking ibig sabihin, wala 'kong ibig sabihin
Dama sa titig aminin, dala ang ihip ang init
Saan gusto pumunta, ikaw ang tinatanong
Ikaw ang 'di nasagot, ikaw ang nayayamot
Ikaw lang din aabot, ikaw lang din ang takot
Ikaw lang din ang sagot, ikaw lang din ang sagot

Mag-uumaga nanaman
Nandito lahat ng kailangan
Gabing 'di mo malilimutan
Papunta 'dun sa kawalan
Mag-uumaga nanaman
Nandito lahat ng kailangan
Gabing 'di mo malilimutan
Papunta 'dun sa kawalan
Mag-uumaga nanaman
Nandito lahat ng kailangan
Gabing 'di mo malilimutan
Papunta 'dun sa kawalan
Mag-uumaga nanaman
Mag-uumaga nanaman
Mag-uumaga nanaman
Mag-uumaga nanaman



Credits
Writer(s): Edward Dela Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link