Panawagan (feat. Jessamae Gabon)

Ito ay isang panawagan
Sa kapwa kong Pilipinong naglalabanan
Hindi na kailangan ang pagdanak ng dugo
Dito sa lupang ating tinubuan

Kailangan lang gamitin ang isip at puso
Sa kapwa ko Pilipino na isipan ay nanlabo

Kayrami mang rebelde ang magagapi ninyo
Hinding hindi maglalaho ang kaisipang nito
Daan-daan mang sundalo ang magagapi ninyo
Hindi mananalo ang ipinaglalaban ninyo

Kahit libo-libo ang mawawalay na Pilipino
Hindi magbabago ang lipunang ito
Hanga't 'di nalalaman ng bawat Pilipino
Na banyagang kaisipan
Ang tunay na nagpapagulo sa bayang ito

Itanong mo sa sarili
Iyong armas at kaisipan mo
Alay ba sa Pilipino o para sa dayo
Ikaw na sundalo, ano ba ang tungkulin mo
Paglingkuran ang iyong bayan
Sa mang-aapi ipaglaban ang Pilipino

Kapwa lang kayo, biktima ng maling kamulatan
Buhat sa kaisipang dayuhan
Bilang Pilipino, dapat may sarili tayo
Kaisipang nagmula sa atin, kaisipang Pilipino

Kahit libo-libo ang mawawalay na Pilipino
Hindi magbabago ang lipunang ito
Hanga't 'di nalalaman ng bawat Pilipino
Na banyagang kaisipan
Ang tunay na nagpapagulo sa bayang ito

Ang kapwa-Pilipino at ang bayan natin
Higit ang Diyos natin ang gabay sa pakikibaka
Hindi dayo, hindi pula, dilaw man ang kulay mo
Iisang dugo ang magkaisa para sa Pilipino



Credits
Writer(s): Randy Macalindol
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link