Pagsubok (feat. Daniel Briones)

Buhay ng tao'y maraming pagsubok
Madalas dumarating, malakas na dagok
Pagkutya't pagkaapi'y minsa'y sumusulpot
Sama ng loob ang s'yang idinudulot

Ngunit kaibigan buhay man ay ganyan
Maging moog sana ng ibayong katapangan
Maging matatag ka sa lahat ng bagay
Pag-ibayuhin mo ang panininindigan

Pananaw mo'y lalong paglinawin
Paninindiga'y lalong pagtibayin
Sa pamamaraa'y maging malikhain
Magpatuloy sa pagpunla at may aanihin

Huwag mag-alala darating din ang araw
Hapis mo't kalungkutan ay mapaparam

Pagsisikap mo'y mayro'ng hahantungan
Matamis na bunga'y makakamtan

Ngunit kaibigan buhay man ay ganyan
Maging moog sana ng ibayong katapangan
Maging matatag ka sa lahat ng bagay
Pag-ibayuhin mo ang panininindigan

Pananaw mo'y lalong paglinawin
Paninindiga'y lalong pagtibayin
Sa pamamaraa'y maging malikhain
Magpatuloy sa pagpunla at may aanihin

Magpatuloy sa pagpunla at may aanihin
At may aanihin



Credits
Writer(s): Joey Tuzon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link