Awit sa Kasama (feat. Froilan John Aglabtin)

Hindi ka dapat panghinaan ng loob
Pangyayaring ito'y isang pagsubok
Sinusukat hanggang saan ang paninindigan
Kung prinsipyo'y ipaglalaban o kalilimutan

Muli mong pakinggan ang daing ng bayan
Hangad ng lahat ay pag-unlad
Matagal nang isinisigaw at ipinaglalaban
Kalimitang katugunan ay kahirapan

Ngayo'y balikan mo ang iyong sarili.
Suliraning pampapamilya ang natatangi
At kung ikaw ay pamimiliin
Pagmamahal mo sa bayan o sa 'yong sarili

Katulad mo'y si Sinagtala, Nene at Heron
Suliranin sa tahana'y patuloy na dinaranas
Subalit hindi dapat na ito'y magpahirap
Sa pagsulong ng maunlad na Pilipinas

Muli mong pakinggan ang daing ng bayan
Hangad ng lahat ay pag-unlad
Matagal nang isinisigaw at ipinaglalaban
Kalimitang katugunan ay kahirapan

Katulad mo'y si Sinagtala, Nene at Heron
Suliranin sa lipunan ay patuloy na dinaranas
Subalit hindi dapat na ito'y magpahirap

Sa pagsulong ng maunlad na Pilipinas
Sa paghubog ng Bagong Pilipinas
Sa pagsulong ng Bagong Pilipinas



Credits
Writer(s): Ronald Crescini
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link