Abuso

Hindi ko lang maintindihan
Kung ano ang'yong inaasam
Agrabyado mong sinasakal
Ang mundong iyong ninanasa

Karamdaman mo'y nawawala
Kalayaan ko'y kinakasa
Puso mo'y iyong sinusugal
Mga kilos mong nananakal

Dahilang iyong sinasamba
Kabutihang 'yong nilalanghap
Kinakaya mong walang awa
Ang damdamin na walang alam

Sapagkat iyong mga mata't
Mga labi mong namumula
'Di mapigil mong dinadakma
Ang mundong iyong ninanasa

(Oh) Lumiyab ka
(Oh) Lumiyab ka lang
(Oh) Lumiyab ka
(Oh)

Hindi ko man maintindihan
Kung ano ang'yong inaasam
Agrabyado mong sinasakal
Ang mundong iyong ninanasa

Sapagkat iyong mga mata't
Mga labi mong namumula
'Di mapigil mong dinadakma
Ang mundong iyong ninanasa

(May sasabihin ako)

Hawak niya ang buhay ko
Kalagayan at estado ko
'Di ko rin alam kung p'ano ko
Babawiin ang tiwala ko

Sapagkat kaniyang mga mata
Mga labi niyang namumula
Pinamumukha akong tanga
Teka lang... (Teka lang)

'Wag mo akong gawing tanga!

Hindi pang habang buhay na magtitimpi sila
Sa panahon ng paghukom magkaalaman na
Hindi pang habang buhay na tinatanga tanga
May oras ka't humanda ang'yong konsensya

Hindi pang habang buhay mo na nasa pwesto ka
Sa trono mong walang pakielam sa may iba
Hindi pang habang buhay na sa'yo lang ang lahat
Darating ang araw na ika'y ibabagsak

Konsensya (Konsensya)
Nasa'n ang dignidad? (Nasan ang Dignidad?)
'Di pa tapos ang lahat ('Di pa tapos ang lahat)
Liliyab ka na (Liliyab ka)

"Ano? Kaya pa?"

Hindi pang habang buhay na magtitimpi sila
Sa panahon ng paghukom magkaalaman na
Hindi pang habang buhay na tinatanga tanga
May oras ka't humanda ang'yong konsensya

Hindi pang habang buhay mo na nasa pwesto ka
Sa trono mong walang pakielam sa may iba
Hindi pang habang buhay na sa'yo lang ang lahat
Darating ang araw na ika'y ibabagsak

(Oh) Lumiyab ka
(Oh) Lumiyab ka lang
(Oh) Lumiyab ka
(Oh) Lumiyab ka lang



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link