Ebanghenyo

Ah!
Magsiraan!

Kumakatok saiyong puso
Ang ministeryo niyang ito
Kapag sumali ka dito
Hawak mo ang buhay ko

'Di ka mababahala
Palagi ka na niyan tama
Kapag merong aangal sa iyo
Isusumbat ng "respeto"

Pagkat sa ministeryong 'to
Punong puno ng intensyon
Intensyong 'di napapansin
Kadilimang puro sakim

Marahil ay mukhang anghel
Pero laging pumapapel
Kung humusga perpekto
Kay kapal ng mukha mo!

Ang Ebanghelyong ito, hawak hawak ang buhay mo
Salitang matatalim, ang intensyon kasakim sakim
'Di ka palalampasin, hukomang dinaig ang dilim
Sa Ebanghelyong ito, mundo mo'y iaangkin

(Oh) (Oh)
Magsiraan!

"Bakit ba hindi niyo ako magawang lubayan?
Gusto ko lang naman ng kapayapaan
Nakikiusap ako, layuan niyo na ako"

Kumakatok saiyong puso
Ang ministeryo niyang ito
Kung humusga perpekto
Kay kapal ng mukha mo!

Ang Ebanghelyong ito, hawak hawak ang buhay mo
Salitang matatalim, ang intensyon kasakim sakim
'Di ka palalampasin, hukomang dinaig ang dilim
Sa Ebanghelyong ito, mundo mo'y iaangkin

"Ito ba talaga ang turo't salita?
Ng sinasamba niyong pinagtatawanan ng iba
Bakit 'di niyo pagtuunan ng pansin ang nasa salamin
Malay ko? malay niyo? Baka kayo ang salarin"

Mag ingat ingat ka baka ika'y masindak
Sapagkat silang lahat gusto kang masaksak
Ng mga salitang kanilang inilikha
Para sa ilusyong gusto kang ibaon

Sapagkat sa'yo nagmumula
Ang lahat ng turo't salita naming lahat
Sundin lang ang pinaka angat...

"Kayong mga self righteous shits,
Mga hipokrito't bida bida sa buhay
Balang araw, magdudusa din kayo
Dahil sa kasakimang pinaggagagawa niyo
Balang araw ay magbabayad din kayo
Sa panahon ng hukoman
Liliyab kayo kasama ng kayabangan niyo"



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link