Rason

(Ha!)

Tangkain mong maintindihan
Salitang 'yong inilalahad
Pagkat andami mong mga tula
Hindi naman naiintindihan

Hindi mo ba naririnig sila
Pinupuna ang bawat salita
Pagkat iyong mga binibigkas
Hindi karapadapat sa naturingang antas

Bistado na wala nang kawala
Ano pang rason ang idadahilan
Bistado ka na, wala nang kawala
Harapin mo na ang katotohanan

(Ha!)

'Wag ka nang magbulagbulagan
Tignan mo ang 'yong dinadaanan
Pagkat sila ay 'yong nasa baba
Alalahanin mo sa'n nagsimula

Hindi mo ba naririnig sila
Pinupuna ang bawat salita
Pagkat iyong mga binibigkas
Hindi karapadapat sa naturingang antas

Bistado na wala nang kawala
Ano pang rason ang idadahilan
Bistado ka na, wala nang kawala
Harapin mo na ang katotohanan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link