Chatmate Ko

Chatmate ko, naka-online ka pala
Gising ka ba o matutulog na?
Kanina pa naghihintay ng message mo
'Di ba ako nakakaistorbo sa'yo?

Chatmate ko, nakita ko'ng nabasa mo
"Seen" ang nakalagay sa baba ng message ko
Mag-selfie ka naman o kahit sticker lang
Miss na miss ko na ang ating kulitan

Kung ba't kasi magkaiba tayo ng oras, chatmate ko?
T'wing tulogka ako'y gising, ano ba naman ito
Konting oras lang na makapagkwentuhan
Isang iglap kung ito'y dumaan

Chatmate ko, noong una'y ini-ignore ko
Ang friend request na galing sa iyo
Hanggang ito ay in-accept ko
Friendship nating dalawa, ngayon ay nabuo

Chatmate ko, ibang-iba ang hatid mo
Nawawala lahat lungkot at pagod ko
Kahit sikreto mo at sikreto ko
Gan'yan tayo ka-close, o kaibigan ko

Kung ba't kasi magkaiba tayo ng oras, chatmate ko?
T'wing tulog ka, ako'y gising, ano ba naman ito
Konting oras lang na makapagkwentuhan
Isang iglap kung ito'y dumaan

Chatmate ko, maraming salamat sa 'yong trust
Asahan mo, 'di ko 'yan ilalabas
Kung kailangan mo ng advice at kausap
Nandito ako, huwag lamang ma-low batt

Kung ba't kasi magkaiba tayo ng oras, chatmate ko?
T'wing tulog ka, ako'y gising, ano ba naman ito
Konting oras lang na makapagkwentuhan
Isang iglap kung ito'y dumaan

Konting oras lang na makapagkwentuhan
Isang iglap kung ito'y dumaan



Credits
Writer(s): Avelino Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link