Huwag Kang Bibitaw

Marami sa atin ang nagtataka
Kung bakit mayro'ng mayaman at dukha
Oh, bakit nga ba kay palad ng iba?
Samantalang iba'y parang walang pag-asa

Mataas ka man o mababa
Pantay-pantay sa mata ng ating Lumikha
Gumawa ng bagay na ikatutuwa
At 'wag gagawa ng ikasasama

Sapagkat ang buhay natin ay ganiyan (buhay ay ganiyan)
Kayanin mo lahat, dahil pagsubok lang 'yan
Kapag nadarapa, tumayo, at lumakad ka (lumakad ka)
Lahat tayo ay may pagdarahop, huwag kang bibitaw ('wag na 'wag)
Lahat ng 'ya'y maaayos ('wag na 'wag dahil maaayos)

Kung malungkot ka't puno ng problema
Darating ang araw at ika'y liligaya
Dahil tayo ay Kaniyang pinagpala
Manalangin araw-araw sa Kaniya

Sapagkat ang buhay natin ay ganiyan (buhay ay ganiyan)
Kayanin mo lahat, dahil pagsubok lang 'yan
Kapag nadarapa, tumayo, at lumakad ka (lumakad ka)
Lahat tayo ay may pagdarahop, huwag kang bibitaw ('wag na 'wag)
Lahat ng 'ya'y maaayos ('wag na 'wag dahil maaayos)

Sapagkat ang buhay natin ay ganiyan (buhay ay ganiyan)
Kayanin mo lahat, dahil pagsubok lang 'yan
Kapag nadarapa, tumayo, at lumakad ka (lumakad ka)
Lahat tayo ay may pagdarahop, huwag kang bibitaw ('wag na 'wag)
Lahat ng 'ya'y maaayos ('wag na 'wag, dahil maaayos)

Kapag nadarapa, tumayo, at lumakad ka (lumakad ka)
Lahat tayo ay may pagdarahop, huwag kang bibitaw ('wag na 'wag)
Lahat ng 'ya'y maaayos



Credits
Writer(s): Avelino N Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link