Diwata

Nalilito ang kahapon
Sa kalagayan mo ngayon
Dahil ganda mo'y 'di pinansin
Siya tuloy ay nanimdim

Lumuluha ang lawa
No'ng unang makita ka
Larawan mo'y gustong maangkin
Kung bakit linamon na ng dilim

Sino pa nga ba ang pag-aalayan?
Likas mong ganda at yaman
Iniwanan ka na lang sa lansangan
Larawan mo'y nasa pahayagan na lang

Gubat ma'y naghihimutok
Nang ika'y 'di na sumipot
Dahil ba sa kalagayang hubad?
Puno niya'y wala nang habas

Sino pa nga ba ang pag-aalayan
Likas mong ganda at yaman?
Iniwanan ka na lang sa lansangan
Larawan mo'y nasa pahayagan na lang

Sa isip ng mga bata
Ngayon ay isa ka nang himala
'Di nila alam ang ina natin noong una
Ay katulad ng isang diwata

Sino pa nga ba ang pag-aalayan
Likas mong ganda at yaman?
Iniwanan ka na lang sa lansangan
Larawan mo'y nasa pahayagan na lang

Sino pa nga ba ang pag-aalayan?
Likas mong ganda at yaman
Iniwanan ka na lang sa lansangan
Larawan mo'y nasa pahayagan na lang



Credits
Writer(s): Avelino N Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link