Salot

Death By Stereo

May multo sa paligid ko
Umiiyak Humihingi ng saklolo
Katahimikan ng kanyang mundo
Nabulabog dahil sa pagsabog

Napapaso
katawan daw niya'y nasusunog
Nasusunog sa pagsabog
Ng mga bagong pamuksa ng mga tao

May umiiyak
Isasangkot sa gitna ng kaguluhan
Wala siyang malay sa mundong natutunaw
Dahil sa pagsabog

Makabago
Bagong sandata ng mga tao
Ang siyang tutunaw sa mundo
Mawawala, paano na tayo?

Dagat ay umaapoy
Hangin ay natutuyo
Lupa ay naaabo
Dahil sa inyo

Ang mga salot
Ang mga salot

May tao sa paligid ko
Umiiyak, humihingi ng saklolo
Nakikiusap sa inyo
Itigil na mga kalokohan niyo

Makabago
Bagong sandata ng mga tao
Ang siyang tutunaw sa mundo
Mawawala, paano na tayo?

Dagat ay umaapoy
Hangin ay natutuyo
Lupa ay naaabo
Dahil sa inyo

Ang mga salot
Ang mga salot

Ang mga salot
Ang mga salot



Credits
Writer(s): Aaron C. Dignos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link