Anito

gawin mo sanay may kabuluhan
isipin mo'y meron sanang katuturan
kilos moy puro sana ay kabutihan

sabihin mo sana'y mayron laging laman

kay daling isipin ang bagay na gustong gawin
ngunit anong hirap
kapag gusto mo nang gawin
kapag ikaw ay tunay na hindi pinagpala
kahit anong tiyaga
sa lupa'y wala ka rin namang magagawa

ikaw ba ay isang tulad kong nalilito
umaasa lang ba ako sa mga sabi mo
kung sa tingin nila akoy walang kwenta
sa kanyang pagdating
akoy merong mapapala!

ikaw ba ay sadyang naglalaro
katulad ko'y kailangan din
merong nagmamahal
sana ay sinabi nung bago palang
upang lahat ng darating
ay mapagtiisan!!!



Credits
Writer(s): Jorge Antonio C. Corpuz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link