Kalikasan

Death By Stereo

anong saya nitong mga mata?
sa paggising sa umaga'y
mga bundok agad itong makikita

pakiramdam ko'y parang
kaylapit ko sa aking lumikha
dahil gawa niya
lahat itong nakikita

iilan silang sumunod
upang sa pag-ulan
tayo ay di malunod
ibabalik muli mga punong pinutol
at sa pag-ulan
ako'y siguradong ligtas

bakit nga kaya nila sinisira?
kalikasang nama'y
buong pusong bigay niya
baka sa huli ay magsisi
sa pag-ulan nama'y
itong kanyang ganti



Credits
Writer(s): Jorge Antonio C. Corpuz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link