Tinta
Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula, pwedeng iba
Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon, sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta?
Nagsimula ang lahat nang aking mahawakan
Ang papel at panulat habang ako'y tinuturuan ni Nanay
Habang siya'y naglalaba ng damit sa poso
Paulit-ulit isinusulat at dapat diretso
Ang mga letra na parang petsa sa kalendaryo
Magbasa ng aklat, kung minsan nama'y komiks at diyaryo
Nang sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
At hindi imbento na parang gamot ng albularyo
Nag-aral, isa, dalawa, tatlong baitang sa elementarya
Natapos sa ika-anim ngunit walang medalyang nakasabit sa 'king leeg
Nang hindi sampagitang dala-dala ni Tatay
Pagkatapos niyang mamasada
Lumipas ang mga taon, sinubukang lumikha
Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula
Ngunit may nagsabi sa akin, "Ris, pag-naroon ka na
Sabihin mo sa akin kung pa'no mo ginamit ang tinta"

Paggising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo
Papasok ka sa eskuwela, manghihingi ka ng baon
Kung titingna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin
Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
'Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo ang siyang sandata mong taglay
Walang makakapigil, kahit minsan ay parang
Wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran
Ngunit pagdating ng araw at naro'n ka na
Sabihin mo sa akin kung pa'no mo ginamit ang tinta

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.