Bahala Na

Ito ba talaga ang buhay ko, bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Akalain mo nga naman
Dahil ako na naman
Ang babanat sa mic na 'to
Sige, sumakay ka sa bike na 'to
Ang tulang ito'y hinahandog
Sa mga ka-chokaran kong palaging talo
Sa mga laro ng buhay
Gusto mo ng chicken, pagtingin mo, gulay

Malunggay na hinaluan ng tuyong tira
Pagkatapos mong kumain ay walang tinga
Paghinatulan ay 'di ka pwedeng umapila
Birthday mo pala, bakit 'di ka kinumbida?
Ang panget mo
'Yan ang sinasabi sa 'yo ng nanay mo
Mga kapatid na palagi kang ginugulpi
Bumbilya mo na laging pundi

Niligawan ang classmate mo
'Pag nilalapitan ang sinasabi niya sa 'yo, pwe!
Ngayon ang enrollment niyo
Humingi ka ng pera, sabi ng itay mo, che!
'Pag namamasyal, laging Luneta
Aparador mo na lumang maleta
Mga damit na walang etiketa
Buhay na parang isang roleta ng kapalaran

Palaging bokya
Kamote na hindi maka-kopya
Sa teacher na parang si Miss Tapia
Ang grade ko ay parang lumang hopya
'Di bale na, ganyan lang talaga ang buhay
Parang damit sa tindahan na ukay-ukay
Ano man ang ating gawin
Kapalaran nati'y haharapin, tara

Ito ba talaga ang buhay ko, bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Tumaya ka sa lotto, nanalo ka
'Di mo pa dinidigahan, sinagot ka na
Lahat ng mga bagong kotse, mayro'n ka na
Pati alahas na masakit sa mata
At mabigat sa braso, de-pwet ng baso
Ang bahay mo na kasing laki ng palasyo
Damit na bagong bili ginawang retaso
Madalas ka pa sa banko kaysa sa banyo

Sa dami ng pera mo, gamit na wallet ay bag
Kumakain ng tuyo sawa na sa baboy
Malakas ang dating kasi naman ang mukha mo'y
Parang isang piraso ng inukit na kahoy
Tinawagan mo pa lang, tanggap ka na
Pasado ka sa test sa isang kisap-mata
Ano, unang araw ng trabaho, boss ka na
Laging nakaupo, may taga-utos ka pa

Kinunan ka ng picture, akala mo'y
Hindi ka naka-video pero karakas mo'y
Nagkalat na sa YouTube kaya ngayo'y
Sikat na para ding Moymoy Palaboy
Paborito ka ng teacher mo
Laging orig ang mga t-shirt mo
Kahit saang lupalop ka pumunta
Ay lagi kang naka-hatid-sundo

Tingnan mo, sundan mo
Ang lahat ng mga inuutos ko
'Yan ang palagi mong sinasabi, pare
Daig mo pa nga ang pangulo ng barangay hall
Kaso lang narinig mong biglang tumilaok ang manok
Panaginip lang pala, pa'no yan, tanghali ka na
Nagmamadali kang bumangon kaso lamang nabagok
Napakanta na lang

'Di lamang ikaw ang may dinadala
Tumingin ka sa paligid, nariyan lang
Nariyan lang

Ito ba talaga ang buhay ko, bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka
Ito ba talaga ang buhay ko, bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya bahala na



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link