Upuan
Kayo po na nakaupo
Subukan niyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko (ganito kasi 'yan, eh)
Tao po, nandiyan po ba kayo sa loob
Ng malaking bahay at malawak na bakuran?
Mataas na pader, pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga patay na laging bulong nang bulong
Wala namang kasal pero marami ang nakabarong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay 'singputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi Pasko, sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganiyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na 'pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang, siya ay aking sisigawan
Kayo po na nakaupo
Subukan niyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko
Mawalang-galang lang po sa taong nakaupo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay 'di puno?
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na 'di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit ang panggatong na inanod lamang sa estero
Na nagsisilbing kusina, sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lang 'pag ang aking ama ay sumuweldo
Pero kulang na kulang pa rin, ulam na tuyo't asin
Ang 50 pesos sa maghapo'y pagkakasiyahin
'Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod o nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya-
'Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y 'wag magalit, oh
Bato-bato, bato sa langit
Ang matamaan ay 'wag masyadong halata

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.