Liku-Likong Landas

Akin nang nakita ang daan
Tungo sa mithi nating buhay

Buhay na sagana't payapa
At lahat doo'y pantay-pantay

Subalit bago natin marating at makamtan
Bawat isa'y dapat magtulungan

Ang landas na sa ati'y naghihintay
Liku-liko ito at nanliligaw

Kaya't talasan ang ating isipan
Baka tayo'y madala sa kung saan

Kaya't bago natin tahakin ang daan
Bawat hakbang nati'y pag-aralan

Liku-likong landas sa 'tin ay naghihintay
Pag-isipan, pag-aralan, magtulungan

Liku-likong landas sa 'tin ay naghihintay
Pag-isipan, pag-aralan, magtulungan

Ang landas na sa ati'y naghihintay
Liku-liko ito at nanliligaw

Kaya't talasan ang ating isipan
Baka tayo'y madala sa kung saan

Kaya't bago natin tahakin ang daan
Bawat hakbang nati'y pag-aralan

Liku-likong landas sa 'tin ay naghihintay
Pag-isipan, pag-aralan, magtulungan

Liku-likong landas sa 'tin ay naghihintay
Pag-isipan, pag-aralan, magtulungan, magtulungan



Credits
Writer(s): Noel Cabangon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link