Bakit Ikaw Pa

Akala ko ba na wala nang iba?
Ngunit bakit iba ang iyong kasama?
Dati-rati ay 'di maikukubli
Lagi nang nariyan ka mayroong ngiti

Habang tumatagal, parang bumabagal
Ang nadaramang ito dito sa 'king puso
Akala ko, ako nang tunay na masaya
Ba't biglang nagbago ka aking mahal?

Bakit ba, bakit pa ikaw ang sagot sa 'king dasal?
Bakit ba, bakit pa ikaw ang minahal?
Bakit ba, bakit pa ako sa yo'y naging hangal?
Bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa, mahal?

Hanggang langit aking pagtitiis
Ba't sinaktan mo pa ng labis-labis?
Ang pusong ito, hapdi 'di maalis
Sa akin pa ba'y mayroong nadarama?

Habang tumatagal, parang bumabagal
Ang nadaramang ito dito sa 'king puso
Akala ko, ako nang tunay na masaya
Ba't biglang nagbago ka aking mahal?

Bakit ba, bakit pa ikaw ang sagot sa 'king dasal?
Bakit ba, bakit pa ikaw ang minahal?
Bakit ba, bakit pa ako sa yo'y naging hangal?
Bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa, mahal?

Maghihintay pa ba ako sa 'yo?
Pati pag-ibig ko'y sinaktan lang ito
Bakit mo nagawang ako'y ipagpalit sa kanya?
Bakit ikaw pa?

Habang tumatagal, parang bumabagal
Ang nadaramang ito dito sa 'king puso
Akala ko, ako nang tunay na masaya
Ba't biglang nagbago ka aking mahal?

Bakit ba, bakit pa ikaw ang sagot sa 'king dasal?
Bakit ba, bakit pa ikaw ang minahal?
Bakit ba, bakit pa ako sa yo'y naging hangal?
Bakit ikaw pa?



Credits
Writer(s): Arnenio Mendaros, Francisco Diosdado N. Jr. Guevarra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link