Ikaw Pa Rin

Kailan ko pa kaya madarama?
Dibdib ko'y kumakaba, sa buhay ko'y wala ka na
Hindi ko na yata kayang dalhin
Ang sakit sa damdamin ng paglisan mo sa 'kin

Kahit na pilitin kong limutin ka
Wari ko'y nariyan ka pa, sinta

Lagi nang nangangamba
Buhay ko'y walang saya
Lagi nang-iisa
Magmula nang makasama ka

Mananaginip na lamang ba
O tuluyang magdurusa?
Kailan lang ay kapiling ka
Bakit pa ika'y natutunan kong mahalin?

Bakit ba ika'y minahal?

Tinitikis ako ng puso ko
Kapag ikaw ang siyang laman ng isip ko
Bakit sa gunita'y laging ikaw
Aking mga mata'y nais maabot ka ng tanaw

Kahit na pilitin kong limutin ka
Wari ko'y nariyan ka pa, sinta

Lagi nang nangangamba
Buhay ko'y walang saya
Lagi nang-iisa magmula nang makasama ka
Magmula nang makasama ka

Mananaginip na lamang ba
O tuluyang magdurusa?
Kailan lang ay kapiling ka
Bakit pa ika'y natutunan kong mahalin?

Sumisigaw ang damdamin
Bakit 'di ka na sa 'kin?
Mga bulong mo sa hangin
Sinasambit ikaw pa rin

Lagi nang nangangamba
Buhay ko'y walang saya
Lagi nang-iisa
Magmula nang makasama ka

Mananaginip na lamang ba
O tuluyang magdurusa?
Kailan lang ay kapiling ka
Bakit pa ika'y natutunan kong mahalin?



Credits
Writer(s): Arnenio Mendaros
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link