Sa Iyong Paglayo

Ako ba'y may pagkukulang pa
At ako ngayo'y nag-iisa?
Hindi man lang naramdaman
Na ika'y sadyang lumisan na

Puso'y nagdaramdam
At bigla ang iyong paalam
At nagawa mo pang saktan
Ang pusong walang alam

Isipan ko'y laging nalilito
Ang buhay ko ay laging kay gulo
Sana muli ang lungkot ay maglaho
Upang maalis ang naiwang pait

Dulot ng iyong paglayo
Sana'y malaman mo labis ang lungkot ko
Sa iyong paglayo
Kay dilim ng paligid, kay sakit sa dibdib
Bakit hindi mapawi dulot ng iyong paglayo?

Maghilom man ang sugat
Hindi rin magtatagal
Alaala ng pag-ibig mo
Sumasagi lagi't panaginip

Isipan ko'y laging nalilito
Ang buhay ko ay laging kay gulo
Sana muli ang lungkot ay maglaho
Nang 'di maalis ang naiwang pait

Ng iyong paglayo
Sana'y malaman mo labis ang lungkot ko
Sa iyong paglayo
Kay dilim ng paligid, kay sakit sa dibdib
Bakit hindi mapawi dulot ng iyong paglayo?

Dulot ng iyong paglayo



Credits
Writer(s): Arnenio Mendaros
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link