Kahit Na

Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo'y 'di ko na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay

Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin akala mo'y naglalaho
'Yon pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro

'Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak?
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilan kailanman, magbago ng isipan
Habang kapiling ka, ligaya'y walang hanggan, ooh

Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay

'Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak?
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilan kailanman, magbago ng isipan
Habang kapiling ka, ligaya'y walang hanggan

Kahit na



Credits
Writer(s): Willy Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link