May Minamahal

May minamahal, bawat taong may damdamin
May minamahal, tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
At ngayo'y nagmamahalan nang tapat

'Pag nagmamahal, bawat sandaling kasiping ka'y anong bilis
Bawat oras ay mayro'ng kasaysayang anong sarap, anong tamis
Maligaya nga ang taong nagmamahal, whoa

Kaya ako'y napaligaya
Ng tunay na pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay nasa 'yo
Ningning ng mata, lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog, katawang tunay

'Pag minamahal, kulay-rosas ang paligid ko
Sa tuwi-tuwina, nakayakap sa ulap
Buong mundo'y nagagalak na mayroong
Nagtatalik na dal'wang pusong nagmamahal, whoa-whoa

Kaya't tayo'y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo'y hindi magbabago hanggang may buhay

May minamahal, bawat taong may damdamin
May minamahal, tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya't habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayro'n nang tunay na minamahal

May minamahal, bawat taong may damdamin
May minamahal, tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya't habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayro'n nang tunay na minamahal

May minamahal



Credits
Writer(s): Willy Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link