Bawat Sandali

Pagsikat ng araw, katabi kita
Lamig ng umaga, 'di nadarama
Bawat sandali, kapiling ka
Dulot, panibagong pag-asa

Sa init ng araw, 'pag tanghali na
Sa ngiti mo, uhaw ko ay nawawala
Bawat sandaling kapiling ka
Puso ko ay anong saya (puso ko ay anong saya)

Pagsapit ng hapon, tanging ikaw ang ligaya
Tangi kong hiling, bawat sandali'y atin (sandali'y atin)

Paglubog ng araw, tuloy ang dilim
Anhin ko ang bituin kung 'di ka akin
Kaya't giliw, tangi kong hiling
Bawat sandali'y gawing atin

Pagsapit ng hapon, tanging ikaw ang ligaya
Tangi kong hiling, bawat sandali'y atin

Paglubog ng araw, tuloy ang dilim
Anhin ko ang bituin kung 'di ka akin ('di ka akin)
Kaya't giliw, tangi kong hiling (hiling)
Bawat (bawat) sandali'y gawing atin

Bawat sandali (bawat sandali), bawat sandali (bawat sandali)
Bawat sandali



Credits
Writer(s): Dero Pedero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link